Tuesday, September 28, 2010

FAMOUS.


hindi ko alam pano nagsimula
bigla na lang nagkasama-sama
barkadang hindi inaakala
magtatagal hanggang katapusan

biruan, asaran
luha, ngiti
saya't lungkot magkakaramay
magkita kita lang, lahat mapapawi

ibang ligaya dala ng barkada
hirap pantayn kahit magkakahiwalay
walang katulad, nag-iisa sa puso
magkakaiba man ngayon ang mundo
ito pa rin ang samahang hinahanap

konting biro, halakhak lahat
isang kanta, aawit ng buo
lucky me, pancit canton
simbolo ng kainang masaya
walang unahan, walang agawan
lahat nagbibigayan

magkaproblema man,
tagusan o mababaw
unawaan ang sagot
lahat damay, lahat tumutulong
sa kabila ng tampo
oras ang tagahilom
hindi patatalo, mabubuo pa rin ang tropa
kaya hanggang ngayon, hindi makapaniwala
magkakasama pa rin, walang katulad

magbago man kami,
hindi mabubura
barkadang asstig
amin kung tawagin ay Famous.

No comments:

Post a Comment